Cosmos47.

Pagsasaayos ng sourdough kapag maulan

Dalawang beses kong pinakain ang starter ngayong linggo pero mabagal pa rin ang pag-alsa ng masa. Hindi pala sapat na sundin ang oras sa resipe; mas mahalaga ang temperatura ng kusina at itsura ng starter bago gamitin. Sa susunod, babawasan ko nang kaunti ang tubig at hihintayin ko ang malinaw na pagdoble ng dami. May iba rin bang nag-a-adjust ng sourdough kapag tag-ulan?

More posts by Micaela Soriano